Pasko Na Naman
Miss KP
Parang kailan lang, pasko’y nagdaan
Ilang araw na lang pasko na naman
Di na mapigilan pampaskong tugtugan
Mga xmas lights at parol nakasabit sa tahanan.
Sa tuwing malapit na ang pasko
Bonus ang sigaw ng mga empleado
Mga bata sabik sa pagbukas ng regalo.
Nakipagbati ka na ba sa taong kaaway mo?
Nagpasalamat ka na ba sa biyayang natanggap mo?
Pasko, simbolo ng pagmamahalan at pagkakaisa
Pagbibigayan, pagpapatawad at pasasalamat sa biyaya
Paskong Pinoy, walang kasing saya
Lalo na’t kasama ang buong pamilya.









salamato po sa tula nio
nagkarond in po aku ng project ^^
♣tecee♣
salamat po.. nagka project ng kapatd q..
salmat poh nag karoon ako ng project
salamat po sa tula ninyo, nagkaroon ng project ang anak ko
salamat po
Salamat po nagkaroon ako ng maligayang pasko at nagising sa katotohanan sa sa inyong talata
ang ganda
bravo….bravo
thanks nagawan ko ng project kapatid ko