Alipogpog

Kuwentas man ay yari sa alikabok

Sapatos ay putik sa bukid ay lublob

Butil ng pawis ko sa lupa umagas

Pagsapit ng gabi kay sarap matulog.

Pagsikat ng araw puso ay taimtim

Walang kaba maghasik ng tanim

Itong kasabay ko malayo ang tingin

Habang kumikintab ang diamanteng singsing.

Sa oras na yaon, isa lang ang ruta

Habulin ang oras para rumangkada

Ang aking kasabay kanina pa pala

Samantalang ako di pa nag-umpisa.

Ako ay namangha sa kaniyang daliri

Nasaan na kaya ang kaniyang diamante

Bakit di niya suot sa kaniyang pag-uwi

Saan niya dinala ang kaniyang salapi

Aking kinakapa ang aking alahas

Yari sa alipugpog at matinding hirap

Kuwentas sa leeg ko habang nakabakas

Tanda ng pawis ko at hapdi sa balay

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s