AKO’Y NAGING HAMAK

Sa lupang buhaghag ng landasing lagim

Aking tatahakin sa sapot ng dilim

Ang ‘yong mga yapak

Buwitre’t hunyango man yaong makapiling

Sa dapit umaga’y ‘yong pakaisiping

Ako’y naging hamak

Bantulot man ako sa pagkagupiling.

Ninilay ang pebo niring takipsilim.

Ako’y naging hamak.

Hamak na dakila.

Hindi kasalanang puso’y mapithaya sa pagdaralita

Binhing sisibol ka sa puso’t gunita.

Saliw ng isang himnong may hatid biyaya.

Sa isang makata di man makatighaw ang piping adhika

Pilit bubuhayin nitong abang tula.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s