MAHAL

 

Agaw-buhay man ako

Sa alin mang oras,

Mahal tandaan mo

Pag-ibig ko’y wagas.

Sampu man ang tukso sa daan nakabakas.

Ang aking pag-ibig ay di matatakas.

Ayoko mangako, mag-iwan ng sumpa

Tama na sa akin ang iyong tiwala.

Ayoko lumuhod o humingi ng awa.

Sa ngalan nang ibig

Dios na ang magkusa.

Mahal, magtampo ka nang paulit-ulit

Yan daw ang karugtong ng ating pag-ibig.

Kahit ilang away kita’y itatawid

Makakayanan ko ang sandaang sakit.

Mahal, sa’yo lamang liligaya ang puso,

Mahal, sa’yo lamang umiikot ang mundo

Ngunit kung gugunawin at di na magkasundo

Palalayain ka nang di sumusuko.

Kung saka-sakali ikaw ay mabigo

Ang halik ko noo’y ika’y sinusundo

Muling yayakapin ng dika mailto.

Sa’yong pagbabalik… wag ka nang magtampo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s