ANG BUHAY NG TAO…

 

OH, ganito pala itong daigdigan

Marami ang sama kesa kabutihan

Kung hahanapin mo ang iyong kaaway

Wag kang lalayo’t katabi mo lamang.

Ako’y parang bato na ibinalibag

Ang buong akala’y sa langit aakyat;

Ng sa himpapawid ako’y mapataas

Ang bigat ko na rin ang siyang nagbagsak.

 

Mahirap nga pala ang gawang mabuhay

Sarili mong bigat ay paninimbangan

Kung ika’y mabuti kinaiinggitan

Kung ika’y masama kinapopootan.

 

At gaya ng isdang malaya sa turing

Ang langit at lupa’y naiinggit sa akin

Subalit sa isang mumo lang ng kanin

Ako’y nabingwit na’t yaon pala’y pain.

 

At sa pagkabigo’y nag-aral na akong mangilag

Sa mga patibong ng mundo

Kahit sa pagtulog, wag pasiguro’t bangungot mo

Ang siyang papatay sa iyo.

 

Zel Jandoc

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s