LIGAW NA PANININDIGAN

Sa sulok mo ngayon na napasukal

Tila iniiwan ng sikat ng araw

Ang mga daing mo at ang karapatan

Tila nakahasik di kayang gumapang

Kapos ang dila ko isaysay ang tama.

 

Ang paninindigan mo ay napakalasa

Kung di mo ihakbang ang dalawang paa

Matuwid na ito bigo ka pa…

Kasama, saan ka pupunta kasama?

 

Batang walang malay sa bundok hirap na

Ito ba ang paninindigan na nais ipamana

Mabuhay sa puno hanggang makalaya?

Ang sinasaloob ay nag-aalipin

Ligaw na paninindigan ay napakalalim

Ang kinukupkop mo malasang hangarin.

Sa paninindigan mo may batang suwail.

 

Masdan mo ang langit sa kaniya nilawak

Siya ay tuldok lang may sariling batas

Ang kinasusuklam diyan mo ipatupad

Wala sa kamay mo ang libra na patas.

 

Bundok na masukal tila mapanganib

Mga hayop doon ay napakabangis.

Ika’y kapatid ko at aking kahugis

Bumaba ka diyan at kita’y ihatid.

 

Ligaw na paninindigan ay nagpapakasakit

Isuko mo ito mahabaging langit.

 

Miss 3R

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s