Mangangarap Ako

Baybay ang tanawin ng aking pangarap

Du’n ko ginuguhit ang nais matupad

Gaya ng tanaw ko ibong lumilipad

Ako’y magliliyag upang makalipad.

Dakilang bayani paano ka nagsimula

Nais kung tunghayan ang iyong dalita

Ayon sa alamat na aking nabasa

Ang katuparan nito ang likod ay luha.

Bagama’t mapusok ang aking panahon

Ang kabataan ko ngayon naghahamon

Ako’y mangangarap sa sulok ko ngayon

Upang makaluklok sa dako pa doon.

Abotin ang langit kung kinakailangan

Upang maiguhit lahat kung kailangan

Aking ipipinta ang ina kong bayan

Sa malalaking titik upang mabantayan.

Sa aking pagtupad aking itatali

Ang mga pirata at mukhang salapi

Ang mga buwaya namuno ng hari

Sa aking panahon iikli ang sati.

Dinuduyan ako nitong niloloob

Habang tinatapos ang tulang sumukop

Pinagagaan niya ang masama kong kutob

Upang maisigaw ang buo kung takot

Dahil ikaw bayan ay nasa matinding DAHOP!

Miss Robin

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s