Dalaga

Ikaw ang pupugay sa buong libutan

Malinis mong dugo ay puri at dangal

Di lang ng sarili kundi buong bayan.

 

Pagkaingatan mo iyong katawan

Kung maliligo ka sa may gawing ilog

Magsuot ng tapis at wag mong ipaanod

Pag ito’y naanod ng malaking alon

Tiyak na itoy lulubog.

 

Huwag kang malimutin sa bilin ni nanay

Huwag kang gagaya sa ibang dala na

Yaman niyang lahat ang pinagkarera

Manalo matalo, bahala na sana.

 

Ang kalinisan mo ay dinadambana

Ng mga makikisig, maayos na binata

Puring sinusungkit gintong yaman niya

Kaya ingatan mo ang pagdadalaga.

 

Nasaan na ngayon mga nagsitawa

Na sa panahon ngayon laos na si Maria

Kung hindi kerida, siya ay nasa kasa

Iniwan ng live-in o muling nag-asawa.

 

Huwag sanang magalit ang masasalingan

Ang tula ko ngayon ay nananawagan

Sagipin ang birhen sa bawat lansangan

Parang sinagip mo na rin ang dati mong dangal.

 

Robin Rufa Roxas

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s