Himig Ng Pag-ibig

Dumadanak sa Timog ang dugong Filipino

Makabagbag-puso ang ingay ng punlo

Yaong mga sigaw ay nagsusumamo

Ngunit walang puso na handang sumuko!

 

Dito sa Silangan, Hilaga, Kanluran

Sarisaring sakit itong gumagapang

Tuyo na ang ilog ng palaisdaan

Ubos na ang puno pagtawid ng buhay.

 

Ganap nang masukal itong kakawayan

Limas na ang gubat sa kaniyang halaman

Wala ng paraiso ang ina kong mahal

Upang maging hari itong bagong silang.

 

Bubot at mapakla, walang kasing pait

Ang tulang may bukal di na makaawit

Ang inyong makata kahit saan sumilip

Ang naiilarawan niya ay dusa at pasakit.

 

Langit ang tanawin upang maipinta

Dasal ang ginamit sa magandang piesa

Tila obra maestro itong nililikha

Upang magamit ang ningning ng tala.

 

Aking tinatawad ang huling talata

Upang manawagan sa iba’t ibang bata

Ikaw ang tutukon sa hirap ng bansa

Dalhin ang tula ko at ipamalita.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s