Hindi Hayop, Hindi Ibon, Sino Ako?

Miss 3R

Ano mang hiwaga sa bundok bumalot
Sa taglay niyang sukal may lihim na sulok
Kuta ng dalita sa patag ay kapos.
Sa sukal na mapanglaw tila mga hayop.

Sa aking dili-dili naghanap ng sagot
Bakit ang kapwa ko doon natutulog?
Sa lamig ng gabi ay nakabaluktot?
Sa sariling bayan ay di makalibot..

Nalilito na rin ang aking himaymay
Nang aking silipin ang batang matapang
Tila isang leon nang aking lapitan
Sa mura nyang isip ang lapis ay punyal.

Bugtong hininga ko ay kusang pinigil
Sandatang pandigma ang punglo ay pangil
Itong katabi ko, inang nagsasaing
Pag-usad sa apoy ang puwit ng baril.

Nagsisimula na ang laman ng tula
Halos maubos na ang sariling luha
Kapwa pisngi namin lunod at basa
Inang dumaraing nagtatanong ng awa.

Sa aking pagbaba sa sukal na yaon
Hakbang ko’y mabiga a puno ng hamon
Kung ako ay ibon malayang tumuntong
Bakit ang kapwa ko bawal pumaroon?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s