Matayog Na Pangarap

Karen Oriente

Ako’y isang bata

Sa murang edad

Nangarap ng mataas

Unti-unti kong nakamatan,

Dahil sa tuwa

Labis na kaligayan

Maykapal sa Itaas

Aking nalimutan,

Pangarap na nakamtan

Panandalian lamang pala

Na sa aking paningin

Biglang mawawala…

Advertisements

Buhay OFW

Karen Oriente

Sa bayang sinilangan

Anong saya ang mga nagdaan

Kasama ang pamilya’t mahal sa buhay

Yakap, halik at pagmamahal

Aking nadama sa mga magulang.

Ngunit hirap ang dinanas

Mula ng lisanin bansang sinilangan

Hirap kalungkutan, pasakit

Aking natikman

Nagpakahirap sa iba

Nagtiyaga, nagsumikap para sa pamilya

Ganito pala ang hirap mawalay sa pamilya

Malungkot, laging nag-iisa

Walang karamay

Naalala mga masasayang araw

Kasama mahal sa buhay

Iba pala ang buhay OFW

Sa Pinas, kahit mahirap

Masaya dahil kapiling ang pamilya

Buhay OFW hindi biro…