TEXTMATE

Nagkakilala sa teks nag-umpisa

Nagpanggap kang binata

Nagpanggap din akong dalaga

Ginamit pa pangalan ng tiyahing matanda.

Oras ng unang pagkikita

Pumunta ka sa bahay ng aking tita

Kumatok ka at pinagbuksan ng matanda

Tinanong kung ano’ng kailangan nila

Sinabi mo: “itoy ba’ng bahay ni Clarissa?”

“Ako nga, anong kailangan nila?”

Nagulat ka, di inasahan ang nakita

Dali kang nagpaalam

Sa pagmamadali di mo nakita

Malaking kahoy na nakabalandra

Nadapa ka, tumilapon ang bulaklak na dala

Dali kang bumangon, palingon-lingon

Ng matiyak na walang tao

Dali kang umalis na parang wala ako

Sayang textmate, guwapo ka pala!

 

LGA

KAHAPON LANG

Kahapon lang, masayang nagsasama

Mag-asawang akala mo’y di mapaglayo

Ngunit sadyang marupok ang isa’t isa

Di napaglabanan ang mga pagsubok nila.

Kahapon na kay saya

Magising ka na lang sa umaga

Iba na ang kapiling ng sinta.

 

LGA

Mangangarap Ako

Baybay ang tanawin ng aking pangarap

Du’n ko ginuguhit ang nais matupad

Gaya ng tanaw ko ibong lumilipad

Ako’y magliliyag upang makalipad.

 

Dakilang bayani paano ka nagsimula

Nais kung tunghayan ang iyong dalita

Ayon sa alamat na aking nabasa

Ang katuparan nito ang likod ay luha.

 

Bagama’t mapusok ang aking panahon

Ang kabataan ko ngayon naghahamon

Ako’y mangangarap sa sulok ko ngayon

Upang makaluklok sa dako pa doon.

 

Abotin ang langit kung kinakailangan

Upang maiguhit lahat kung kailangan

Aking ipipinta ang ina kong bayan

Sa malalaking titik upang mabantayan.

 

Sa aking pagtupad aking itatali

Ang mga pirata at mukhang salapi

Ang mga buwaya namuno ng hari

Sa aking panahon iikli ang sati.

 

Dinuduyan ako nitong niloloob

Habang tinatapos ang tulang sumukop

Pinagagaan niya ang masama kong kutob

Upang maisigaw ang buo kung takot

Dahil ikaw bayan ay nasa matinding DAHOP!

 

Miss Robin

Mangangarap Ako

Baybay ang tanawin ng aking pangarap

Du’n ko ginuguhit ang nais matupad

Gaya ng tanaw ko ibong lumilipad

Ako’y magliliyag upang makalipad.

Dakilang bayani paano ka nagsimula

Nais kung tunghayan ang iyong dalita

Ayon sa alamat na aking nabasa

Ang katuparan nito ang likod ay luha.

Bagama’t mapusok ang aking panahon

Ang kabataan ko ngayon naghahamon

Ako’y mangangarap sa sulok ko ngayon

Upang makaluklok sa dako pa doon.

Abotin ang langit kung kinakailangan

Upang maiguhit lahat kung kailangan

Aking ipipinta ang ina kong bayan

Sa malalaking titik upang mabantayan.

Sa aking pagtupad aking itatali

Ang mga pirata at mukhang salapi

Ang mga buwaya namuno ng hari

Sa aking panahon iikli ang sati.

Dinuduyan ako nitong niloloob

Habang tinatapos ang tulang sumukop

Pinagagaan niya ang masama kong kutob

Upang maisigaw ang buo kung takot

Dahil ikaw bayan ay nasa matinding DAHOP!

Miss Robin

I LOVE YOU

Kahit madalas tayong masaktan sa

Walang sawang pagmamahal,

Ang puso di napapagod dahil nasugatan

Kasi pag ayaw nating magpalaya

Sa mga taong dumaan lang pala

At hindi tumira.

Kaya tayo nasasaktan

Kasi di makatuloy tuloy

Ang talagang nagmamay-ari.

Kung may tinik ang puso mo, bunutin!

Ang tawag dun, palayain.

miss robin

Blog at WordPress.com.

Up ↑